Friday, April 29, 2005

heaven

currently listening to: live - heaven

yahoo! sa wakas. outing na namin. we've been planning and preparing for this outing for months na. sa waaaaakaaaaaaaaas!

naisip ko lang din...shet, di ako makakapagpahinga dun since outing committee ako. potek. ill be helping out in facilitating the activities, games, etc...i think i'm even going to be the emcee for the awarding proper. hahaha! bahala na! basta...makapagbeach! astig!

swabe din kasi walang pasok sa monday. potangina! thank god for labor crap!

Thursday, April 28, 2005

asa

currently listeing: parokya ni edgar - sayang

asa.

ganyan talaga.

lahat nakasalalay sa yo.

OLATS!

Wednesday, April 27, 2005

astig

astig...may iba palang sinasabi yung mga tao behind my back.

astig.

king of new orleans

currently listening to: no doubt - new

kanina, before leaving the house for work...nakita ko ulit yung CD ko ng better than ezra...naisip ko bigla..."uy, ok to ah...baka may mapulot ako dito". tapos nung papasok..wala masyadong traffic...so steady lang...sabay naalala ko nanaman college days ko. tangnang yan. sabay bumanat na yung track na "scared are you?" ayuuuus.

ika nga ni bamboo: "what a way to start the day...its such a lovely day!" (dahil makulimlim at muhkang uulan).

Monday, April 25, 2005

2 fast 2 furious...

currently listening to: juliana hatfield - the only one

went to the transhow with mark, nette and a girl-riend of mark. wala lang..nothing spectacular. parang as each year goes by...umoolats lalo yung transhow. isa lang EG hatch na nakita ko...olats pa. may dalawang EK hatch, pero ayus lang. tapos puro sounds show na...medyo 2 fast 2 furious din masyado yung pintura ng mga oto this year. wala lang. usually, bumabalik pa ako to check out the cars again...pero parang tinamad talaga ako this year. walang ganun ka-ok eh. too ricey for me. daming stickers, wierd artistic paint stuff, too much fiberglass in the cars. la lang. la rin masyado nagbebenta ng ok na stuff this year.

i tried to sit down again and make some more riffs out of my trusty ole acoustic guitar...pero wala pa ring lumalabas...anaknangweteng...mahaba na masyado tong slump na to ah. as usual, im trying to listen to stuff that could influence me...but i think i should change what im listening to very soon. i tried to listen to the old e-heads stuff...old rivermaya stuff...pearl jam...paramita...cynthia alexander...mayonnaise. wala eh. try ko naman this week ang foo fighters, juliana hatfield, our lady peace, and fuel...maybe i should try din to listen again to the much older stuff...like the beatles.

which brings to mind...one of my conversations with my bandmate rica during recording. parang nabring up ni monty yung influences...tapos sabi ni rica...black metal stuff daw siya...ako, nasagot ko lang..."the beatles!"...tapos si rica: "huh?! di obvious sa mga ginagawa mo ah". hahaha! wala lang. to set the record straight...slash (yessssss of GnR) made me wanna play the guitar...and violent playground (all hail one of the best opm bands...ever) made me wanna be in a band. pero as rica would put it...my style doesnt reflect these influences at all. after all...the other bands or people that is also in my list include foreign acts such as incubus, pearl jam, toad the wet sprocket, moonpools and caterpillars, the sundays, our lady peace, dishwalla, coldplay, dave matthews band, etc...local acts includes the eraserheads, rivermaya, P.O.T, wolfgang, razorback, and lately...yes, even the dawn.

naisip ko rin bigla na all along...hindi talaga ako cut out for flashy solos...shredding and other stuff that more or less defines how great a guitarist should be. im more of the rythmic guy. melody based player. tipong coldplay...or dave matthews band. kunwari...sa pearl jam, i grew up looking at stone gossard rather than mike mccready. maski na ba si john mayer eh (kahit pano, may mapupulot ka rin dun) ewan ko pero these people...appealed to me more compared to the flashy flashy fast fingers soloey guitar works of the other bands. mike einziger of incubus...on the other hand, is one of the guitarist that i look up to that can do it all. wala lang...i dont think i am making any sense anymore...oh well, but what the heck.

i went to dlsu last friday to eat at kaibigan. lunch out with officemates (one of which was also a co-comsci alumn). wala lang..ibang iba na talaga. pero nakakamiss ang school. sobra. which led me to think na namimiss ko nanaman ang high school at college. yung stress na nafefeel mo during those times...na alam mong madali mo lang malalampasan. na papasa ka naman no matter what. potangina. ibang iba na ngayon eh.

which leads to....the stress and frustrations of today. wala lang. tangna. may banda ka nga...kung ano ano naman ang nangyayari. wala rin. may trabaho ka nga...pagod ka naman lagi. wala pa ring pera dahil maliit ang sweldo (contrary to what other people think...sorry mahirap lang kami whether you like it or not).

i think i gotta straighten out my life na. set my priorities straight. tama na rin siguro yung dreams ko na feeling ko di naman mangyayari. tangnang yan.

'nuff said.

Thursday, April 21, 2005

batangas beybe!

currently listening to: nothing

punta kami ng blue coral ngayon. occular inspection para sa outing namin. katamad. di ko pa alam kung san yun. basta sa laiya daw. sa san juan batangas.

hay. life.

Wednesday, April 20, 2005

t-mac eto!

currently listening to: nothing

last night...nagset ng basketball yung mga tao dito sa office. astig. havent played for quite sometime (actually, the last was a couple of weeks pero before that, more than 6 months ata ako di nakahawak ng bola). astig. at least, di ako masyadong olats. as usual, guard ako on offense and center on defense.

tangna yung mga bata dito..ambibilis. gerdamit! para kaming phoenix versus spurs kagabi. takbo ng takbo yung mga bata..samantalang kami, puro set plays. labo. hahaha!

astig!

Monday, April 18, 2005

haaay...life

currently listening to: parokya ni edgar (feat. francism) - kaleidoscope world

hmmm...wala lang. sablay lahat ng nangyayari sa akin ngayon...work...banda...pati lovelife. what's next?!

the past few days...naisip ko na magumpisa na magipon. dahil sa ilang taong nagtatrabaho ako...wala pa rin akong ipon kahit onti. pero gusto ko ring tutukan yung oto ko. pota. kelangan ko na ituloy ang aking project. the past 2 weeks..nagpalit na ako ng side markers...flat na! yey! at...ang pinakasulit na upgrade ko...cupholder. pota...JDM! here i come!!! :D next na papalitan ko..signal lights ko...tapos mags siguro tapos repaint.......pero kelangan ko rin ibalance ang pagiipon with this.

...at least nakikita ko kung san napupunta pera ko.

nung naiwan ko susi ko sa loob ng oto ko....

currently listening to: e-heads - poorman's grave

....dun ko lang narealize ang pagkauser friendly ng ibang tao. bow.

nice going

currently listening to: yano - esem

nice going #1
kaming dalawa lang ni rica nasa recording kagabi. astig. we could've done a lot more kung andun yung dalawa. kung andun si jc, natapos na malamang yung dalawa pang drum tracks. kung andun si lara, malamang naulit na yung mga vocal tracks para sa mga kanta.

nice going #2
ang hirap pala tugtugin ng perfect day. natapos ko na kagabi yung mga guitar tracks ko para sa kanta na to...3 tracks ginawa ko...isang acoustic para sa rythmic parts (which dominates the whole song)...isang dreamy (delayi, flangy, chorusy) part para sa intro at mga fills sa end part...at isang distortion part para sa gitnang part ng song. tangnang yan. ang hirap timingan nung intro at nung intro sa gitnang portion...thanks to jc, na mali yung bilang..medyo naiba tuloy yung kanta...pero ayus pa rin naman. ginawan ko na lang ng paraan yung wrong timing dun. yung distortion part...nagawa ko naman yung gusto kong kalabasan nung kanta...medyo nahirapan ako sa pagrecord nung pagpasok ng distortion kasi parang bitin yung timing...pero ayus naman kinalabasan...para siyang crunch part ng creep at nung aircon ng mayo na papunta sa mabigat na part. astiiiiig. tapos...bago matapos yung heavy part meron pa yung parang mini build up.

nice going #3
next sunday pa ulit yung recording namin. aalis si monty today until mga wednesday or thursday. nangako naman si monty na agahan yung time slot para mas maraming mabanatan. napagkasunduan na na tatapusin na yung drums and bass tracks nung dalawang remaining songs para madali nang mabanatan yun. sana makantahan na rin ulit yung mga tracks.

nice going #4
nung pauwi na..sa pagmamadali...naiwan ko yung susi ng kotse ko sa loob ng kotse..tangna..hassle. pumunta ako sa isuzu para maghanap ng tulong..pero di nila magawan ng paraan..yung honda sa tabi nila..sarado na at walang tao...kaya napilitan akong tumawag sa ermats ko para dalhin yung spare key all the way to alabang beybeh! jologs ampota. kelangan ko na ata magpagawa nung key cards. naknampota!

nice going #5
may gig kami sa may 7...agama productions to. tribute to the 90's. depende dun sa timeslot ang time span ng gig. kung 5pm-8pm at 1am-3am ang slot, 30 minutes (more or less 5 songs)...kung 8pm-1am ang slot, 20 minutes lang (more or less 3 songs). suggestion ni rica, dun kami sa 3 songs lang...napaisip ako...kasi, required ka magcover ng isang 90's song...soooo that's down to 2 origs...pero the thing is...mas marami yung audience. bahala na.

nice going #6
nagtaas nanaman presyo ng gasolina by around 75cents...tangna...linggo linggo nga talagang tumataas yung presyo ng petrolyo sa buwang ito. wala na talagangn libreng sakay. magbayad kayo ng gas ko.

sana talaga matapos na yung recording. tangna. pagod na pagod na ako. astig.

Friday, April 15, 2005

haaay ot

currently listening to: dave matthews band - typical situation

potangina. OT. kalokohan. 3 weeks kang hindi sinasagot ng client mo...tapos biglang tatawag today tapos papagawa sandamakmak na trabaho na due this weekend kasi sa monday dadating boss niya.

lokohan.

BOW!

Thursday, April 14, 2005

boooooooooring

currently listening to: imago - akap

ayus. ilang araw na akong na-lss sa akap ng imago (for the nth time)...so kagabi, nagdecide ako na kapain yun. ayus. kuha ko na. pero yung basic chords lang. katamad yung ibang parts eh...besides, kinapa ko siya without my copy of the CD at hand...so kung ano lang maalala ko..yun na yun. hehe! muhkang swak naman eh.

sana matapos recording...malapit na ata akong umalis. tangna.

yun lang.

Monday, April 11, 2005

singapore baby!

currently listening to: francism - girl be mine

last week..my boss talked to me. sa singapore na daw ako i-a-assign. oks lang. labo. oh well.

nung friday...sumali kami sa contest sa lkg. lafftrip..dami kong sablay pero ayus lang. feeling ko...we were still better dun sa bandang nanalo. muhkang nadala lang ng mga giling niya eh. plus, home court...lahat ng waiter humihiyaw eh. mabenta din mga covers niya. pero naisip ko...lahat ng tinugtog nila covers...wala lang. parang...kala ko ba dapat kasama dun yung creativity...well, i guess we just need to be better at performing...not necessarily at playing. kelangan mas expressive.

...in time.

belated happy birthday nette! happy monthsarry na rin. :D

Wednesday, April 06, 2005

once every summer

currently listening to: nothing

last night was a fun gig. monkeyspank, rsgd, soapdish, sultans of snap, holding hands, and we played. sorry, my bad..wala palang hale. hehe! astig. tagal na rin kasi walang gig ng HH eh. soooo oks rin na nakatugtog sila kagabi. nagkaroon lang ng onting aberya sa line up/order ng bands...pero ayus na rin. salamat kay monty, luanne, poch, etc. astig kayo. sana may susunod pang mga pa-gig.

we played four songs...fed up, 6 underground, perfect day, and bittersweet. pagbaba ko, daming bumati sa perfect day. ayus ah. hahaha! nagulat ako. wala lang.

salamat sa lahat. che, that one was for you...i bet masaya ka na kung san ka man ngayon.

Monday, April 04, 2005

so much for my happy ending...

currently listening to: the eraserheads - poorman's grave

last week..nanuod nga pala kami ni nette ng avril and simple plan concert sa the fort. ayus lang. nakakaaliw ang simple plan. nadala nila ng maayos yung crowd eh. kahit pano, may napulot ako sa kanila kung pano magdala ng crowd. punong puno na ng energy...si avril..wala. baduy. patay na patay. pero maayos yung mga kanta. para nga lang lip synched.

yun lang.