nice going
currently listening to: yano - esem
nice going #1
kaming dalawa lang ni rica nasa recording kagabi. astig. we could've done a lot more kung andun yung dalawa. kung andun si jc, natapos na malamang yung dalawa pang drum tracks. kung andun si lara, malamang naulit na yung mga vocal tracks para sa mga kanta.
nice going #2
ang hirap pala tugtugin ng perfect day. natapos ko na kagabi yung mga guitar tracks ko para sa kanta na to...3 tracks ginawa ko...isang acoustic para sa rythmic parts (which dominates the whole song)...isang dreamy (delayi, flangy, chorusy) part para sa intro at mga fills sa end part...at isang distortion part para sa gitnang part ng song. tangnang yan. ang hirap timingan nung intro at nung intro sa gitnang portion...thanks to jc, na mali yung bilang..medyo naiba tuloy yung kanta...pero ayus pa rin naman. ginawan ko na lang ng paraan yung wrong timing dun. yung distortion part...nagawa ko naman yung gusto kong kalabasan nung kanta...medyo nahirapan ako sa pagrecord nung pagpasok ng distortion kasi parang bitin yung timing...pero ayus naman kinalabasan...para siyang crunch part ng creep at nung aircon ng mayo na papunta sa mabigat na part. astiiiiig. tapos...bago matapos yung heavy part meron pa yung parang mini build up.
nice going #3
next sunday pa ulit yung recording namin. aalis si monty today until mga wednesday or thursday. nangako naman si monty na agahan yung time slot para mas maraming mabanatan. napagkasunduan na na tatapusin na yung drums and bass tracks nung dalawang remaining songs para madali nang mabanatan yun. sana makantahan na rin ulit yung mga tracks.
nice going #4
nung pauwi na..sa pagmamadali...naiwan ko yung susi ng kotse ko sa loob ng kotse..tangna..hassle. pumunta ako sa isuzu para maghanap ng tulong..pero di nila magawan ng paraan..yung honda sa tabi nila..sarado na at walang tao...kaya napilitan akong tumawag sa ermats ko para dalhin yung spare key all the way to alabang beybeh! jologs ampota. kelangan ko na ata magpagawa nung key cards. naknampota!
nice going #5
may gig kami sa may 7...agama productions to. tribute to the 90's. depende dun sa timeslot ang time span ng gig. kung 5pm-8pm at 1am-3am ang slot, 30 minutes (more or less 5 songs)...kung 8pm-1am ang slot, 20 minutes lang (more or less 3 songs). suggestion ni rica, dun kami sa 3 songs lang...napaisip ako...kasi, required ka magcover ng isang 90's song...soooo that's down to 2 origs...pero the thing is...mas marami yung audience. bahala na.
nice going #6
nagtaas nanaman presyo ng gasolina by around 75cents...tangna...linggo linggo nga talagang tumataas yung presyo ng petrolyo sa buwang ito. wala na talagangn libreng sakay. magbayad kayo ng gas ko.
sana talaga matapos na yung recording. tangna. pagod na pagod na ako. astig.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home