Wednesday, July 12, 2006

poot...punong puno ng poot

currently listening to: urbandub - endless, a silent whisper

sagwa ng gig namin kagabi. pero what the fuck?! we all had fun anyway. maski andami naming sabit, maski andaming maling timing ng bagsakan, maski nagkalat kami...we had fun. yun yung pinakaimportante dun. we played 6 songs. yung pinakabago, fed up, perfect day, bittersweet, eternal flame (something we havent done in a loooooong time), and hanggang takipsilim.

may bagong singer na hiraya. astig. the girl looks awfully familiar though. parang she's part of a different band before na nakasabay na ng SC. anyways, ok din naman. iba yung dating kasi nag-gigitara.

at para sa mas seryosong bagay....

kinausap ako ng isa sa mga boss dito kanina for my evaluation. mixed emotions ang kinalabasan ng discussion namin. masaya ako kasi kinausap na ako for my eval after a long long time. pero nung after, medyo naglabasan kami ng mga opinions, etc namin. nabring up ko yung palipat lipat ng projects sa akin. inexplain naman niya na naiintindihan niya yung point ko at medyo demoralizing nga naman para sa isang tao na sabihin na iaassign ka sa ganitong project (at aasahan mo na at ihahanda mo na sarili mo dun) tapos ililipat ka bigla sa ibang project. mas masagwa naman kung naumpisahan mo na yung project tapos bigla kang papalitan ng ibang tao at iaassign ka sa ibang project (na nangyari na din sa akin countless of times). anyway, bottomline is. sinabihan na ako na sa states ako pupunta for a project tapos last week kinausap ako ng pinaka boss dito at sinabi na sa singapore na lang daw ako maaassign. naknampota naman. pagod na pagod na ako na pinagpapasapasahan. lahat ng latak ibinigay na sa akin. nasabi ko na din kanina na isa sa naiiisip ko ay wala silang tiwala sa kakayahan ko. pero putangna. naisip ko lang...naghire sila ng walang kaalam alam sa pagmamanage ng project para maging project manager....tapos ganito nangyayari sa akin?! naniniwala akong isa akong ok na project manager at ok ako sa ginagawa ko. kaya ba ako ganito sa kumpanyang ito at dahil mas pabor ako sa mga tao ko? dahil mas close ako sa kanila? ewan ko lang ha. pero more than being a project manager, naniniwala din kasi ako na responsibilidad ko ding hubugin yung mga tao na under sa akin. anyway. bottomline is...medyo napapagod na ako. napapaisip na din ako magresign. sabi naman ni boss, by tuesday daw malalaman ko na kung san talaga ako iaassign pero mga 80-85% na daw na sa singapore ako. anyway, di ko na masyado iniisip yan. nawawalan lang din naman ako ng gana magtrabaho eh. kelangan ko na talaga magisip ng ibang paraan para kumita. hayop!

eto pa isang medyo nakakadismaya na pangyayari. may binebenta kasi akong memory card for a certain price tapos nakita ko na lang nagpost din isang officemate ko dun sa boards at ginawa niyang mas mura. anaknangteteng naman. respeto man lang sana diba? pero ok lang. sige lang. naiintindihan ko na ganyan talaga ang mundo. gulangan lang talaga. kaya nga may mga mayayaman at merong mga di umaasenso tulad ko. narealize ko lang, para umangat ka sa mundong ito, kelangan: 1.) marunong kang gumamit ng mga tao na nasa paligid mo. aminin mo na din, gamitan lang naman talaga sa mundong ito. 2.) kumita ka ng limpak limpak na salapi. no matter how you do it...just do it. bottomline is, nirerespeto at tinitingala ang mga taong may pera. kapag meron ka na nito, magdonate ka na lang sa mga sinalanta ng bagyo o sa mga charity para magmuhka kang mabait. 3.) tropahin mo lahat ng pwede mong tropahin. (para marelate mo ito sa item number 1) at 4.) kelangan muhkang astig ka sa pananaw ng mga tao.

kung small spender ka..wala ka. kung kuripot ka...wala ka. ganyan talaga dito sa mundong ito. mundo na punong puno ng kasakiman. dapat, di ka din makuntento sa kung ano mang meron ka. astig diba? astig!

teka. isa na ata ito sa pinakamahabang blog entry na naisulat ko sa buong kasaysayan ng aking blog. pero ganun pala talaga kung marami ka nang kinikimkim na sama ng loob. kelangan mo lang talagang maibuhos. feeling ko wala din naman akong makausap na matino tungkol dito eh. to top it all off...di lang ito ang mga pinoproblema ko. oo na. tama ka. pinoproblema ko ang mga bagay na di ko dapat pinoproblema...iniisip ko masyado ang mga bagay na di ko na dapat iniisip. pero putangina mo. ano bang pakialam mo?! di mo naman ako tinutulungan diba? hehe! sorry. urat lang talaga.

1 Comments:

At 10:25 AM, Blogger * a~n~i~g * said...

*sigh* owel,just think of the unemployed in times like these..
cheers! *_^

 

Post a Comment

<< Home