Thursday, June 30, 2005

hotttaaaa hottaaaa!

currently listening to: paramita - stillness

last night may jamming ulit kami. we finished our new song called "feigning indifference." astig. medyo binago namin yung areglo tapos....'lo and behold...may solo ulit ako. hahaha! shet, i hope i pull this off again. its a nice nice song that i cant wait to play live. siguro a few more practices before we launch it to the public.

in between discussions about the new song...rica and i started to jam...astig din kinalabasan. parang drip na squid 9 na ewan. guitars lang and drums. im pretty sure we'll make this into a new song ulit. delay, chorus and flange heavy yung kanta na upbeat. so parang techno-ey type. astig din. hahaha! i wonder what the finished song will sound like. can't wait for the next practice session again. wooohoooo!!!

talked/chatted with gino boi yesterday. salamat sa mga comments mo men. kinilabutan daw siya nung narinig niya live yung "hanggang takipsilim." astig ka. salamat ng marami.

ansarap pakinggan ng bamboo. hahaha...mainstream pero astig na rin kahit pano. natutuwa ako at ginaganahan dahil napapansin ko...simple lang mga banat na ginagawa ni ira. binabawi na lang sa areglo. ibig sabihin...kaya ko din! hahaha! woooohoooo!!! :D

radrad and i have already a few discussions about the inlay design and layout. im pretty sure rad will make a kickass type of inlay knowing the type of artist he is. astig ka. mabuhay ka.

abangan!

Wednesday, June 29, 2005

light peace love

currently listening to: bamboo - 04

nanuod kami kagabi ng nasaan ka man. astig. pwede na. hahaha. ganda ng mga visuals sa pelikulang ito. parang maganda kapag still photos. check it out... :D

bumili rin ako ng bamboo. ayus lang. di ko pa masyado napapakinggan...pero parang mas maganda yung unang album. pero one thing's for sure..yung quality ng recording, maganda. hehehe.

Tuesday, June 28, 2005

jdm baby!

currently listening to: dashboard confessional - the places that you've come to fear the most

bumili ako kahapon ng amber climate control. badtrip, di ko alam kung pano ko ikakabit. hahaha! pero buti na lang at may internet at may nakita kaming how to DIY change the climate control. astig. kaso, muhkang matrabaho nga. sana magawa ko na to. medyo nakakaexcite...parang gusto ko magabsent para ikabit to. hahahaha! pero sa sobrang tambak ko with work, i doubt it kung magagawa ko yun ngayon.

muhkang pumayag na si rad gawin yung inlay namin para sa ep. hehehe..sana all goes well. i expect around 2-3 more sessions with monty of mayo para matapos to. onting onti na lang talaga boys and gels...lalabas na. sana ok mangyari sa amin.

bili kayo ng ep ah! okie? okie?

kung gusto niyo ng preview...punta kayo dito.

yun lang!

Monday, June 27, 2005

cashed out...

no cash. huhuhu! :(

Thursday, June 23, 2005

busy bee

currently listening to: the youth - multong bakla

grabe. sobrang busy today...actually, this week.

yun lang.

Monday, June 20, 2005

sound tripping

currently listening to: sharon cuneta - to love again

astig tong si mevs...bumili ng sharon cuneta 25 years 25 hits. pwedeeeeee! napakinig ulit ako ng mga classic hits ni sharon tulad ng mr. dj, kahit maputi na ang buhok ko, high school life, to love again, sana'y wala nang wakas, maging sino ka man, bituing walang ningning, kung kailangan mo ako..at marami pang iba. haaaaay..old school stuff. sarap.

ika nga sa kantang kahit maputi na ang buhok ko: "ang nakalipas ay babalik natin...woohooohoohoo...ipapaalala ko sa yo."

ayuz!

last friday...astig yung gig sa mai yuchi. most of my friend's heard our relatively new song..."hanggang takipsilim". muhkang trip naman nila. ayus ayus ayus. excited na talaga ako to get the ep out. thanks to my officemates who went to mai yuchi. sana wag kayo magsawa na supportahan kami.

nung sabeerday...pumunta kami ni mevs sa anniv EB ng HCP. ayus lang naman siya. daming nakakatulo laway na oto...from EGs to EKs to ES' and GDs. astig. after nun, tumuloy kami sa dampa sa libis kung san mapapaiyak ka sa sarap ng pagkain. panalong panalo yung sweet and sour lapu lapu niya...at yung tempura...solid. pagkatapos ng bogchi, kanya kanya na at tumuloy na ako sa el pueblo para sa fete dela musique...hassle lang...tinuluyan na yung masama kong pakiramdam kaya medyo maaga ako napauwi. oh well barbell. at least nakapunta pa rin ako.

kahapon..father's day. dinner lang with family and nette. swabe.

Friday, June 17, 2005

kita kits!

kita kits sa mai yuchi mamayang gabi! kasama ang holding hands, maple syrup at sobrang dami pang iba!

Thursday, June 16, 2005

hiram ang bawat saglit

currently listening to: paramita - tala

bili kayo ng album ng paramita! astig talaga...pramis. di kayo magsisisi sa pera niyo.


Tala
- paramita

ang iyong tala ang nagniningning
walang kupas ang kinang ng iyong bitwin

mula sa lupa, di mapantayan
sa kalangitan tanging liwanag mo ang matatanaw
ngunit bakit may pait sa iyong mga ngiti

nalimutan mo na bang,
hiram ang bawat saglit?
daanin mo sa iyak ang lahat ng pait

ang iyong tala ay nagdidilim
kumukupas ang kinang ng iyong bitwin

hiram ang bawat saglit
daanin mo sa iyak ang bawat pait
hiram ang bawat saglit
daanin mo sa iyak ang lahat ng pait

traffic kaninang umaga

currently listening to: suspicious character - hanggang takipsilim

last night was a pretty good gig. ewan ko kung bakit pero parang kinabahan ako ng matindi last night. parang first gig jitters ulit. hahaha...pero overall, ok naman siya. we played 3 songs. bittersweet, perfect day and the new one, hanggang takipsilim. medyo appreciative din yung crowd. hehehe! salamat kay monty para sa gig na to!

salamat sa lahat ng pumunta. astig kayo.

bukas kita kits tayo sa mai yuchi sa malate. pramis, mas astig to!

Wednesday, June 15, 2005

belated happy independencia!

currently listening to: suspicious character - perfect day (rough mix)

gig kami mamaya sa freedom bar kasama ang fancycakes, duck derby, mayonnaise at iba pa. shet. it feels like the first gig all over again. parang first gig jitters..etc. tagal na rin kasi namin nabakante eh. i just hope all goes well. baka mag-jam pa si monty sa amin sa isa sa mga kanta namin. astig.

sa friday, nasa mai yuchi kami sa malate. di ko alam kung sino sino mga kasama pero im sure it'll be a blast. mga officemates ko...plus officemates ni lara pupunta daw. astig astig. dami nanaman naming fans! bwahahaha! joke lang. sana lang di kami magkalat.

recording ng ep namin resumes this sunday. i can't wait for it to be finished. potek! ilabas na yaaaaan! hehehe!

kita kits sa mga gigs.

btw....yung bembang prod...malapit na magkaroon ng follow up. woooohooooooo!!! abangan!

Tuesday, June 14, 2005

kowloon siopao

currently listening to: paramita - takipsilim

i got my hands on paramita's album called tala. galing galing. medyo bitin nga lang. 12 tracks, isang remix at isang acoustic...5 of the 10 songs are already in soundclick. pero sulit pa rin nonetheless. galing talaga nung dreamer's lullabye...pati yung acoustic version nun. props din sa pagkanta ni ria sa mga kanta dun. hanep! congrats and goodluck to this band.

gig sched...tomorrow we'll be at freedom bar (hopefully)...and on friday, somewhere in malate. i'll update you guys na lang.

may baon akong kowloon siopao ngayon...it has been quite sometime since nakakain ako ng classic favorite na to. hehehe...astig.

first day din ni joefer dito (ex-officemate). hahaha..parang nagiging reunion ito ng stag peeps dito. sana makabili na ako ng bagong effects soon. i am really craving/thirsting for that new sound. di ako mapakali sa current songs namin.

yun lang!

Thursday, June 09, 2005

crunchy crunchy crunchy!!!

currently listening to: hiraya-pedestal

kagabi pinatugtog ulit yung pedestal nung pauwi ako. 3rd time ko na to narinig sa radyo (marami na yun considering di na ako masyado nakikinig ng radyo). muhkang tuwang tuwa yung dj sa kanta...bumanat ng mga props sa banda at sa kanta eh. astig nga naman kasi yung kanta eh. congrats sa hiraya boys and gal. aangat tayong lahat. hindi pwedeng hindi.

recording ulit mamayang gabi....woooohoooo! im so excited! i just can't hide it! potaaaaaaaaaaaaaaa....time to finish up this crap! its taken us...what?....4 months na? for one ep?! damn...that's too long. tsktsktsk...can't be...tapos may mga post recording crap pa yan.

me thinks that there will be another recording session after this one. hopefully one last. i plan to layout the rythm parts on the tagalog song and maybe one electric part tapos balikan na lang para kantahan at latagan ni mark ng guitar track niya and if possible....maybe one more track from me. huwaw! daming patong nun ah. hehehe!

honga pala...acoustic track pa....damn...long way to go pa. :( shet.

Wednesday, June 08, 2005

swamped

currently listening to: souvenir - des tours pour audrey

thanks to enteng's cd i am now listening to stuff i rarely know or dont know anything at all. the mp3 cd contains stuff like belle and sebastian, air, bloc party, elliot smith, and the compilation cd i'd spend my day with you. meron din namang mga known artists tulad ni jeff buckley, badly drawn boy, death cab for cutie, our lady peace, fiona apple and the likes. astig astig...nice listen. definitely may mapupulot ako from these tracks.

grabe. sobrang tambak sa trabaho. nahihilo na ako dito. bukas na ulit recording. im damn excited to get this done na. i talked to an officemate of mine. he has a cousin who works for warner music. baka sakali. that's another reason for me and my bandmates to get excited about. sana lang matapos na tong recording na to. most probably next week may shoot kami with my friend who's a photographer. astig. we just need to find a good location. so, baka may maisusuggest kayo...just pop me a message. pareho kami ng concept na iniisip nung friend ko... dark street na may mababang lamp post tapos may tao sa baba ng lamp post...tapos dun yung focus...out of focus naman dun sa mga stuff normally seen on the street...sidewalk vendor, a stray dog, beggar, tambay...etc. sana maganda kalabasan. i trust my friend enough for this to work out...then we'll work from there na lang.

astig

Tuesday, June 07, 2005

harapin ang liwanag

currently listening to: the dawn - change is breaking us apart

while driving to work earlier this morning...i suddenly felt an urge to listen to some old school pinoy band...the dawn. sadly, i couldnt find my copy so i had to copy the ripped audio files from an officemate of mine. listening to it around twice now, i suddenly am amazed at how this band (along with some of the other bands that have endured the test of time) has changed it sound, adapt to the current trends, yet keep themselves respectable (hindi benta or sell-out). parang u2...parang si madonna. galing. narealize ko lang that this album (harapin ang liwanag) is very different from past the dawn albums. pero andun pa rin yung pagka the dawn niya...and for me...this is by far their best work/album to date. oldies or not, these group of guys really earned my respect. kudos to you guys. :D astig talaga kayo.

namove recording namin to thursday. pota, parang never ending na to. :( sana talaga matapos na. antagal na sobra. kung natuloy yung trip ko sa states,china or sing...wala na. di na talaga to natapos. and to think target pa na sinet ko for this is around holy week ah. sheeesh.

Monday, June 06, 2005

a dreamer's lullabye

currently listening to: paramita - a dreamer's lullabye

guess what?! nacontrol ko sarili ko na pumunta ng banawe last weekend para bumili ng stuff for my car. hehehe! wooohooo! naisip ko na kahit pano, kelangan ko na rin magipon. potek. it's been more than 3 years since i graduated pero wala pa rin ako kahit singko sa bank. olats ko talaga. time to get down to the more serious stuff in life. promise ko sa sarili ko na magtatabi na talaga ako ng pera from my salary and no matter what happens..di ko talaga gagalawin yun.

i talked to mikey kanina. dammit. friend pa rin daw niya organizer ng fete dela musique this year. all the while i read in the papers na iba na daw organizer this year...fuck. we could've been part of this year's festivities...pinatry ko pa rin kami ipasok. sana umabot. sana. :( it has always been a dream of mine to play in front of a huuuuge crowd (just like what happened during the ICA Variety show a couple of years back...7 years ago to be exact). whew. iba talaga yung feeling. iba yung high na mafefeel mo. responsive yung crowd...they're singing along with the songs that you're playing. kahit sandali lang. i'd kill for that chance again. hahaha! well, di naman siguro kill...pero i'd sure do whatever i can to do it again. sorry guys, i should've tried earlier. :( pero at least, tinatry ko na ngayon. sana lang andun si rica. it wont be the same if one of us aint part of something as big as this.

bukas daw recording ulit kami...FI-NA-LLY! may sched na kami. haaaay this EP of ours is loooooong overdue na. sana matapos na para we can finally get it out to the peeps. sana nga lang may bumili para madinig kami. hehehe! more than the money...for me...it's spreading your music.

andaming new albums na lumalabas ngayon. i've seen paramita and mojofly on the shelves now...parang gusto ko kumuha ng copies...pati yung bago ng bamboo...i heard lumabas na. pero i havent seen them on the shelves pa. hiraya is due to hit the stores within the week. kudos to them. i hope we all go to places we've never been...never been before.

Thursday, June 02, 2005

drown

currently listening to: hiraya - 'san libong itim na dahon

last night jamming was quite fruitful. we're almost done with our new song (that sounds like something from the smashing pumpkins and guns and roses. onting ayus na lang and getting used to.

haaaaaaaaay....kelan kaya matatapos recording namin? its taking a loooooong time na..i just want to get it done and over with para makagalaw na ulit kami. oh well. in due time...in due time.

Wednesday, June 01, 2005

it's another trip down memory lane...

currently listening to: guns 'n roses - november rain (live era '87-'93)

kagabi..habang ako'y naglilipat lipat ng channel sa tv, napanuod ko yung video ng G'nR sa MYX. yung estranged. wala lang...naalala ko ulit ang aking high school kung saan idol na idol ko si slash. lagi ko ngang sinasabi sa mga kakilala ko na si slash ang malaking impluwensya sa akin kung bakit gusto ko mag-gitara. although hindi ako naging kasing technical or galing niya...at least nag-gigitara ako. classic na classic tong video na to. ang ganda ng kanta at ang galing ng riffs niya dito...para nga namang dolphins (tulad nung mga pinapakita sa video).

sa isang eksena pa...pinakita yung pag-angat ni slash mula sa gitna ng dagat...nagsosolo. potek. lupet. hahaha! so bigla kong nahalungkat yung G'nR CDs ko...at pinakinggan ko ulit itong mga to. haaaaay...iba nga naman ang mga panahon dati. simpleng simple lang ang buhay. walang hirap. lately..medyo madalas ko na rin tong isipin. tangna, makaraan ang ilang buwan o taon magkakapamilya na rin ako...naisip ko lang...san ako kukuha ng pera pambuhay ng pamilya ko...samantalang yung mga gusto kong bilhin ngayon, di ko makuha. pano pa yung mga pangangailangan na? labo lang...tangnang buhay to. ang hirap. parang kelangan nating mamulat sa katotohanang walang libre...walang gimmes...walang madali sa buhay. lahat pinaghihirapan at pinagiisipan. at para sa akin...applicable to sa lahat ng bagay. sa trabaho...sa eskwelahan...sa banda...sa lahat.

ganun talaga eh...

kaya tuwing mapapaisip ka tungkol sa nakaraan at kung gano ito kadali...sulitin mo na yang pagmumuni muni mo...dahil kapag natapos ka na sa pagsariwa ng mga alaala...babalik ka na sa katotohanang wala pa ring nagbabago sa yo. ganun ka pa rin. mahirap pa rin ang buhay...at hindi na yan dadali pa...lalo lang hihirap.

pero kaya naman siguro...sabi nga ni axl rose..."all we need is just a little patience".