it's another trip down memory lane...
currently listening to: guns 'n roses - november rain (live era '87-'93)
kagabi..habang ako'y naglilipat lipat ng channel sa tv, napanuod ko yung video ng G'nR sa MYX. yung estranged. wala lang...naalala ko ulit ang aking high school kung saan idol na idol ko si slash. lagi ko ngang sinasabi sa mga kakilala ko na si slash ang malaking impluwensya sa akin kung bakit gusto ko mag-gitara. although hindi ako naging kasing technical or galing niya...at least nag-gigitara ako. classic na classic tong video na to. ang ganda ng kanta at ang galing ng riffs niya dito...para nga namang dolphins (tulad nung mga pinapakita sa video).
sa isang eksena pa...pinakita yung pag-angat ni slash mula sa gitna ng dagat...nagsosolo. potek. lupet. hahaha! so bigla kong nahalungkat yung G'nR CDs ko...at pinakinggan ko ulit itong mga to. haaaaay...iba nga naman ang mga panahon dati. simpleng simple lang ang buhay. walang hirap. lately..medyo madalas ko na rin tong isipin. tangna, makaraan ang ilang buwan o taon magkakapamilya na rin ako...naisip ko lang...san ako kukuha ng pera pambuhay ng pamilya ko...samantalang yung mga gusto kong bilhin ngayon, di ko makuha. pano pa yung mga pangangailangan na? labo lang...tangnang buhay to. ang hirap. parang kelangan nating mamulat sa katotohanang walang libre...walang gimmes...walang madali sa buhay. lahat pinaghihirapan at pinagiisipan. at para sa akin...applicable to sa lahat ng bagay. sa trabaho...sa eskwelahan...sa banda...sa lahat.
ganun talaga eh...
kaya tuwing mapapaisip ka tungkol sa nakaraan at kung gano ito kadali...sulitin mo na yang pagmumuni muni mo...dahil kapag natapos ka na sa pagsariwa ng mga alaala...babalik ka na sa katotohanang wala pa ring nagbabago sa yo. ganun ka pa rin. mahirap pa rin ang buhay...at hindi na yan dadali pa...lalo lang hihirap.
pero kaya naman siguro...sabi nga ni axl rose..."all we need is just a little patience".
0 Comments:
Post a Comment
<< Home