Tuesday, August 15, 2006

cancer

currently listening to: soapdish - pain redefined

astig! biglang andaming magreresign dito..si kyut, si pats, si hen. although undecided pa daw si hen...pero marami akong nakikita na magpapasa na din really soon. anyway, bakit kaya umaalis mga tao? tingin ko, depende din yan sa mga kasama mo eh. tipong..."pare, ok naman dito eh...masaya kayo kasama pero olats management eh". ang tanong eh, kung ikaw ba nasa pwesto ng management, tingin mo ba may magagawa kang mas maayos? honestly speaking, siguro nga kanya kanyang threshold lang yan kung hanggang gano katagal mo tiisin ang isang bagay. ako, siguro nakakayanan ko pa. more or less, im giving this one last shot. kapag di ako natuloy sa singapore, yun na yun. babay na talaga. pero minsan naiisip ko, pera pera lang talaga eh. nabubullshitan ako sa mga nagsasabi na "wala akong growth eh" samantalang tadtad naman ng ginagawa at challenged sobra sa trabaho (pwere na lang talaga sa iba na halata namang di na nag-ggrow). bottomline is, may kanya kanyang motibo ang bawat tao...pero naapektuhan ang ibang tao dahil dito. may papaalis na empleyado, maya't maya...maguusap usap sila na masama loob nila, etc etc...madadamay ang ibang tao. pati sila mapapaisip at maapektuhan. tangnang yan, call me crap pero kung ikaw ang nasa kabilang side ng fence...tingin mo ba ok yun? oo, may mali sila, pero would you have done any better? di ko sinasabi na mali sa lebel natin..pero open lang ako sa idea na we couldn't have done any better kung tayo yung nasa kabila.

pero teka, don't get me wrong. la akong sinasabi na kupal etc etc...opinion ko lang po to. kumbaga, as usual, bukas lang talaga ako to both sides always.

bukas nga pala, gig ng holding hands sa kolumn bar. astig astig. kita kits mga repapips!

Friday, August 11, 2006

something new...well, not really

currently listening to: mayonnaise - salamin

it has been almost a month since i last posted an entry in my online blog. wala din naman masyadong nangyari eh. balik na ako sa morning shift ko na 9am-6pm...wala na yung banda ko (suspicious character) at miyembro na ako ng holding hands.

kagabi may gig kami ng holding hands sa gweilo's eastwood. one of our best gigs so far (in my opinion)...medyo nakukuha ko na yung banat at bagsakan pagdating sa bass..at relatively, onti lang mali ko last night (just one to be exact). hehehe! astig astig! sana may patunguhan na to.

may niluluto nga pala kami ng isa kong kaibigan na nagbabanda din. sana matuloy na to at sana maging mas maayos.

kita kits mga repapips!

btw...nadinig niyo na ba yung tribute album para sa APO Hiking Society? astig. lupet nung banat ng itchyworms sa awit ng barkada. pwedeeeeee! hehe!

plugging ulit...sa august 16, nasa kolumn bar ang holding hands. sana makapunta kayo at mapanuod niyo ang bagong tunog ng holding hands.