Tuesday, July 26, 2005

just like a splendid love song

currently listening to: orange and lemons - kailangan kita

last sunday, went to mark's office in bicutan to get the ferio seats. andumi sobra...pero ayus lang..napashampoo ko na. takte, di na tuloy ako magkasya sa kotse ko. mas mataas na siya kesa sa normal...so yun. pero its all good. its an upgrade eh.

i've been scouting for power supplies for my effects...natatakot ako bumili kasi baka masayang lang kapag di gumana..pero i will most likely get one this evening.

yun lang!

Thursday, July 21, 2005

thank you beri macha!

currently listening to: hale - kung wala pa

last night...i went to the album launch of soapdish. swabe yung lugar ah. ganda nung sounds...ganda din ng ambiance (although nothing beats saguijo)...dami ding tsikabebes na andun! hehehe...chatted with jason of twisted halo, shellby of maple syrup, luanne and the rest of the soapdish boys. si bubu nga pala andun din. ayus din. congrats. swabe sa dami ng tao. nice gig guys. kampai tayo!

Tuesday, July 19, 2005

soapdish album launch

currently listening to: soapdish - pwede ba

haaaaaaaaaaaaay..emo mode again. sometimes, i just feel that the things i do are never enough. never ever enough. work sucks. big time. tangina nilang lahat. im just damn tired. i wish i could get a break..pero...ASA.

tomorrow, soapdish will launch their self-titled album at phi bar in metrowalk. kudos to the soapdish boys. check them out if you have time. bwehehe...yun lang. kurt, sama moooooooooooo...hahaha!

emo mode again...again...and again...when will this ever end?!

haaaaaaaaaaay...life...parang buhay.

recording again

currently listening to: the dawn - i saw you coming in

last night i went to the aquarium again to finish up my parts for "hanggang takipsilim". monty and i was quite happy with the results. this has got to be the most guitar parts i've done in a single song so far. i think the guitar tracks for this song is around 4-6 tracks. whoooweeee! for the verses, i used the chorus and flanger for the strumming parts, chorus for the plucking parts, and chorus and delay for the solo parts. mark used his RP-50 for his solo part. monty and i used the board's distortion for the heavy and intro part. i then used the board's distortion with my flanger for the intro parts again. to sum it up...hindi na manipis yung tunog ng kanta...actually, natatakot ako na baka sumobra yung kapal niya. pero it's all good. its now ready for lara to fill in her vocal tracks. she's got around 2 tracks to fill in. after that, i'll record an acoustic version of one of our songs...most likely perfect day.

the excitement for the release of our ep has again creeped up on me. potangina! sa wakas...malapit na talaga to. after the acoustic parts, mixing na. roughly, it will take around 2-3 more sessions...then it's off to the reproduction stage.

medyo bonding din kami ni monty kagabi. hahaha! kwentuhan tungkol sa mga banda..sa banda niya, banda ko, side band niya at mga iba't iba pang banda sa eksena. it's nice to hear from somebody who's already there in the industry for quite some time. marami rami ka ring matututunang aral eh.

next recording session will either be on sunday or thursday...depending on monty's sched. hope all's well para tuloy tuloy na. i would also prefer na i-re-record ni mark solo parts niya. medyo di ok yung acoustics eh.

honestly, i believe that we're going to make it. i'm going to do everything i can for us to make it (basta wag lang ako maurat...again). hehehe! basta. kung di kasi ako naniniwala...eh di wag na lang...

amen.

Sunday, July 17, 2005

eto na...eto naaaaa!

currently listening to: hale - take no

watched 2 movies over the weekend. "pinoy/blonde" and "if only". ayus din ang pinoy/blonde. nakakaaliw. astig din yung effects. umaangat na nga talaga ang pelikulang pinoy. props to direk peque gallaga and lore reyes. astig. if only naman...i watched it because jennifer love hewitt was in it. hahaha...kung babae siguro ako, maiiyak ako dito. ayus lang naman din. senti emo shit. hehehe! mga what ifs na may chance kang bumawi.

sana magkaroon pa ng mas maraming pelikula tulad ng pinoy/blonde. napanuod ko rin yung trailer ng "'d anothers"...mapanuod nga. muhkang ok din na nonsense movie eh. hahaha!

eto na. eto na...

Friday, July 15, 2005

tensionado

currently listening to: soapdish - tensionado

lupet ng mga OT. napapagod na talaga ako ng matindi. pero elibs ako sa team ko...parang di napapagod. iba talaga kapag bata pa. mas malakas ang resistensya. hahaha!

JC and i went to the fiestamundo office last tuesday. requirement nila 2 songs so kelangan pa namin magmix ng medyo malinis linis ng isa pa. iniisip pa rin namin kung ano possible songs na pwede ilagay dun. feeling kasi namin medyo may complications yan kapag na-sign na kami ng label (hahaha! wishful thinking)

bahala na. this sunday na next na recording. kelangan na talaga to matapos...this is WAAAAAAAAAAAY LONG OVERDUEEEEEEEEEEEE!

nakachat ko si ser mike ng comets tale. jam daw siya sa amin sa 27th. wooohoooo! nuod kayo! masaya to. comets tale, sc, holding hands, kampai and a whole lot more sa freedom bar for no front act production.

kits kita!

Thursday, July 14, 2005

yun lang

currently listening to: comets tale - zombiasis

yun lang.

Monday, July 11, 2005

pain redefined

currently listening to: soapdish - sana sinabi

last saturday we had a gig at the kolumn bar near timog. got to know mike of comets tale. kakilala ko kasi yung brother niya dati when i crossed enrolled during summer class. astig.

that gig was the last gig arlene will be having with hiraya. she's leaving the band because she's having a hard time juggling her professional career with the band. medyo marami na nga silang malulupet na gigs na pinalagpas because of this. pero tangna, medyo nalungkot ako. malaking kawalan yan dahil honestly, malaking bagay si arlene sa tunog ng hiraya. i just hope things turn out well for the rest of the band. anyways...saw a couple of hiraya EPs all over the metro yesterday. nilipat ko pa yung iba sa front rack para makita kagad ng tao. tangna mark, may bayad yun ah!

grabbed a copy of the soapdish CD. ayus din naman. medyo nagulat lang ako sa kakaibang areglo nung tensionado at pwede ba. pero pwede na rin. lol..i just thought that the EP version was better...has a bit more edge to it. badtrip nga lang, di ko makita yung EP ko ng soapdish. notable tracks include sana sinabi, pain redefined (this track is sooooooo...haaaaaay...hehe!), hintay and the usual faves...tensionado, ewan ko, dahil sa ulan and pwede ba. kudos to kurt, jeff, terence and ceasar. astig kayo!

aaaaaaaaaaaaaaaah! jessica albaaaaaaaaaaaaaaa!!!!

Friday, July 08, 2005

an observer

currently listening to: hiraya - an observer

...and it seems like we are being observed
...and it feels like our life is on our own

the truth we know are lies
lies themselves endearing

labis na naiinip...nayayamot sa bawat saglit

currently listening to: orange and lemons - hanggang kailan

bow.

Tuesday, July 05, 2005

hasssssssssle!

currently listening to: mymp - no ordinary love

hassle. ang aga ko gumising para di ako malate kasi umuulan...pero nalate pa rin ako. nasira kanina kotse ko. pagka-park ko dun sa parkingan ko, napansin ko na ayaw mamatay ng brake light ko. labo. tinanggal ko na yung fuse, ayaw pa rin. di ko naman makalas yung bumbilya kasi ang init sobra. tinanggal ko na lang eventually yung battery. badtrip. gastos nanaman ito for sure.

last night's recording sessions was a fairly productive one. mark recorded his solo parts for "hanggang takipsilim". it turns out na magsosolo din pala ako kahit onti dun. hahaha! ayus. fear ko lang, yung gagawin ko..di swak sa solo na ginawa niya. medyo kakaiba eh. hahaha..pero ayus din.

onti na lang talaga.......................................

badtrip.

Monday, July 04, 2005

forcedspeed racing

currently listening to: the dawn - harapin ang liwanag

last friday...i passed by forcedspeed racing at katipunan. andun kasi si mevs at may tinotono daw sila na ek civic. ayus din. pagkatapos nila dun sa pagtono, pinagusapan naman ng board ng forcedspeed ang pagbuo sa bagong race car. muhkang eg sedan ang bubuuhin. hehehe..astig din. parang nakakaenganyo na magbuo din ng oto.

yun lang.

mamayang gabi recording ulit. pota. gusto ko na talaga matapos to. nawawalan na ako ng gana eh...tapos yung mga ibang stuff pa na nangyayari sa mga bagay bagay....haaaaaaaaaaaaaay. ewan ko...you really gotta set your priorities straight. tutok na lang talaga siguro ako sa oto ko.

amber

currently listening to: mymp - kailan

pota. di ko alam kung bakit, pero senti ako lately. malala pa to sa emo eh. hahaha! oh well..ayus lang.

last saturday...nakabit ko na rin sa wakas yung amber climate control ko. dami kong sugat sa kamay..pero sulit. ganda na ng dashboard ng oto ko...gauges na lang talaga pwede na. :D hehehe! tipid mode upgrades eto. sulit na din pagkapalit ko sa climate control ko kasi medyo sira na yung dati...di na umiilaw ng tama.

nagkabit din ako ng wiper holder kasi napansin ko medyo madaling masira mga wipers na kinakabit ko..tapos DIY din na headlight buzzer. bale, kung nakapatay makina mo tapos nakabukas headlights mo, may tunog na lalabas. astig...wiper holder for less than P200...tapos buzzer for P50. pwedeeeeeeeeee!