gastooooossssss....
currently listening to: u2 - vertigo
haaaaaaay...paguwi ko kagabi..sumalubong sa akin ang nanay ko. sabay banggit ng mga gagawin sa oto ko. hunyeta...bukod sa tune up at change oil...papalitan na rin daw yung water pump. napaisip ako..."water pump?!" saan yun? sa washer ng wiper? o sa radiator? hindi rin ako masagot ng nanay ko...sana di masyadong malaki ang gastusin ko para dun. pasensya na mga tropa...no more free rides. masyado nang mahal mga pinapagawa ko sa oto ko...bukod pa sa pabugso bugsong pagtaas ng presyo ng petrolyo sa kalakhang maynila.
haaaay...ang buhay nga naman...ang hirap mabuhay...subalitngunitdatapwat...mahal din mamatay. wala nang libre sa mundo ngayon...ang masaklap pa nito...wala nang mura sa mundo.
buti na lang, meron akong mga kaibigan na tumutulong sa akin.
yun lang!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home